Ito na ang huling araw ng pebrero sa taong ito. Kay tagal hinintay ngunit kay bilis rin namang natapos. Maraming magagandang pangyayari ang nangyari sa buwan na ito. Mayroon din namang hindi gaanong kagandahan. Gayunpaman, sa pagtatapos ng buwan sana lang ay maging maganda ang pagbungad ng susunod na buwan para sa lahat (dapat huwag maging makasarili diba?) . Kaya mamayang pagsapit ng alas dose, sabay sabay nating salubungin ang buwan ng Marso at tayo'y magsaya.
At babalik na nga ba sa dating set-up ang Game Ka Na Ba? Nalilito lang kasi ako sa tuwing magagawi ako sa kanilang programa ay palaging iba ang setting. Naalala ko tuloy yung text message na ipinadala ng pinsan ko sa kanyang kaibigan. Parang ganito...
"Sasali ako sa Game Ka Na Ba sa February 30, pag pray niyo ako na makasali sa jackpot round ha."
Sumagot naman ang kaibigan niyang, kala ay may February 30 at sinabi...
"Good luck ha! Pa-swimming ka naman!".
Galing galing!
No comments:
Post a Comment