Wala kaming pasok bukas dahil may malakas na bagyo na naman raw na darating. Imbis na tatlong araw lang ang bakasyon namin dahil sa inurong ang Bonifacio Day naging apat dahil nga raw sa darating na bagyo bukas.
Sana hindi naman kasing lakas ni Paeng (si Paeng nga ba yun?) na nagdulot ng maraming kasiraan sa paligid. Sana hindi mawalan ng kuryente dahil pahirapan na naman ito kung saka-sakali. Kakargahan ko na nga rin ang aking cellphone sakali mang mawalan ng kuryente ay may mapaglilibangan pa rin. Pero sana naman hindi.
About
- Maria
- Soft spoken & shy. Always mistaken for a teen. Used to smile a lot. A left-handed but drawing is not her forte. Likes to write her thoughts and read others'. Likes music to which she can sing along. Likes traveling and adventures. Loves the heat of the sun at the beach and the falling rain when at home. Gotta love the drama. A frustrated photographer, chef & singer.
Wednesday, November 29, 2006
Monday, November 27, 2006
Sa Jeep
Tuwing Lunes na lamang ako namamasahe pauwi. At kaninang pauwi na ako't nakasakay na sa jeep, hindi ko naiwasang makinig sa usapan ng ibang tao lalo na't ang lakas nilang mag-usap. Partikular na ang dalawang babaeng nagkukwentuhan patungkol sa kanilang buhay pag-ibig. Isa lang talaga ang nagkukwento at yung isang babae naman ay tahimik lamang na nakikinig. Hindi ko napansin nuong una ang kanilang makapagbagbag-damdaming usapan ngunit di naglaon ay unti-unti na pala akong nakikinig. Pilit ko mang ilayo ang aking tenga at ipaling sa iba ang isipan, hindi ko pa rin nagawa dahil na rin sa lakas ba ng pagkukwento ng dalaga at damang dama pa ang kanyang pagkukwento. Nalaman ko tuloy ng hindi sinasadya ang stado ng kanyang love life.
Katulad nga ng aming nabasang akda sa Filipino na patungkol sa isang babaeng sumakay ng jeep. Maraming malalaman at matututunan, sumakay lamang ng jeep. At akin nga itong masasang-ayunan.
Katulad nga ng aming nabasang akda sa Filipino na patungkol sa isang babaeng sumakay ng jeep. Maraming malalaman at matututunan, sumakay lamang ng jeep. At akin nga itong masasang-ayunan.
Missed.
Ilang beses na akong natanong at nasabihan ni Arjay na magsulat pero hindi pa rin ako makakuha ng tamang tyempo at gana kung kailan at kung ano ang aking isusulat. Para sa iba, kapag may napupuna silang kakaiba mapa sarili man nila o sa iba, madali nila itong nailalabas sa pamamagitan ng pagsasalita o pagkukwento. Iyon ang pagkakaiba ko sa kanila. Hindi madali para sa akin ang paglalabas ng aking nasa loobin. Nahihirapan akong humanap ng tamang salita kapag gagamitin ko ang mga ito sa pangungusap kaya nga’t dinadaan ko na lamang sa pagsusulat ang aking mga saloobin dahil dito ako lubos na napapadali. Lalo na’t gamit ko ang laptop sa pagtatayp ng mga salita, madali ko itong naisusulat. Tuloy tuloy lamang na lumalabas ang mga salita na naiimbak sa aking isipan.
Naging parte na rin ang pagsusulat sa aking pangaraw-araw na buhay. Lalo na noong wala pa ako dito sa Pilipinas. Ito’y naging takbuhan ko kapag wala akong makausap o ayaw ko man iparating sa iba ang nararamdaman. Sa pagsusulat kasi ay pakiramdam ko’y maaari kong sabihin lahat lahat ng walang pumipigil o takot na matuklasan ng iba. Naging parang isang terapi nga ito at nakasama ko sa panahon ng kalungkutan.
Nitong mga nakaraan buwan, tila’y nalimutan ko na na may kasama pa pala ako. At kahit kailan hindi ako iniwan kahit na muntikan ko na siyang i-abandona. Nakakalungkot ngang isipin na ganoon na pala ang nangyayari ngayon. Ilang buwan na rin ang nakalipas ng huli akong magsulat. Maraming sandali na ninais kong magsulat ngunit hindi ko magawang umpisahan o kung may maumpisahan man ay ‘di rin matuldukan.
Ang pagsusulat ang nakasama ko sa malulungkot na sandali ng aking buhay at sa mangilan-ngilan din kasiyahan sapagkat kadalasan ay puro kalungkutan ang aking naikwento. Marahil sa mga nakalipas na buwan ay hindi ko na napansin ang mga pangyayaring hindi kanais-nais kaya’t naging kuntento na lamang ako sa kung anong meron at dahil dito nalimutan ko ng sumulat. At sa kadahilanan nga na madalas akong maglabas ng saloobin sa tuwing ako’y nalulungkot, hindi ko na nagawa pang talakayin ang mga masasayang pangyayaring naganap sa aking buhay.
Ngunit ngayon, aking napagtanto na mas nararapat lamang na pagbigyang pansin ang masasayang alaala kaysa gunitain ang mga mapapait na karanasan sa buhay. Dahil kung babalik-balikan ko lamang ang aking mga naisulat na halos kalungkutan ang sinasaad ay marahil manumbalik nadarama sa panahong isinusulat ko ito. Ang masasayang alaala ang dapat kong hindi malimutan at mas bigyan ng halaga.
Ilang beses na akong tinanong at sinabihan ni Arjay na magsulat. Noong una, hindi ko maintindihan kung bakit niya ako kinukulit at pinipilit na magsulat muli. Ngunit katulad na lamang din siguro ng nararamdaman ko ngayon, nakaka-miss lalo na’t naging kabahagi na ito ng aking buhay.
Subscribe to:
Posts (Atom)