Wala kaming pasok bukas dahil may malakas na bagyo na naman raw na darating. Imbis na tatlong araw lang ang bakasyon namin dahil sa inurong ang Bonifacio Day naging apat dahil nga raw sa darating na bagyo bukas.
Sana hindi naman kasing lakas ni Paeng (si Paeng nga ba yun?) na nagdulot ng maraming kasiraan sa paligid. Sana hindi mawalan ng kuryente dahil pahirapan na naman ito kung saka-sakali. Kakargahan ko na nga rin ang aking cellphone sakali mang mawalan ng kuryente ay may mapaglilibangan pa rin. Pero sana naman hindi.
2 comments:
Paeng?! imbento? hahahaha
si Milenyo po ang huling nagdaang bagyo na nagdulot ng malaking perwisyo at ilang araw na kadiliman. :p
hehe.. mishu karl. nga pala.. READ THIS.
Sayang. yun lang masasabi ko.
hahaha sorry makakalimutin ako. Milenyo nga pala ano... hihi mishu too!!!
Post a Comment