Dahil sa bagyong Reming na hindi malaman kung kailan aatake sa Metro Manila at Cavite, hindi natuloy ang aming pagkikita ni Arjay. Ngayong araw na ito ay ang aming ika-dalawampu't tatlong buwanang-bersaryo (kung may ganyan yang salita sa tagalog). Maayos na nai-plano ang lahat ng biglang binalita na may darating na bagyo. Miyerkules pa lamang ng hapon ay alam na naming walang pasok kinabukasan dahil maagang sinuspindi ang mga klase para sa paghahanda ng pagbuhos ng malakas na ulan.
Huwebes na at ang hinihintay kong pagbuhos ng ulan ay wala pa hanggang sa sumapit na ang gabi, wala pa rin ang bakas ni Reming. Umasa ako na hindi na aabot ang bagyo dito sa amin. Dumating ang madaling araw saka na lamang dumating ang pinaka-aantay-antay ko. Ang ulan kasama ang malakas na ihip ng hangin. Hindi rin naman nagtagal ang ulan. Pagkagising ko kaninang umaga, parang wala lang nangyari. Parang nagparamdam lang si Reming upang masabi lang na bumagyo.
Agad kong tinawagan si Arjay para gisingin. Mukhang matutuloy na rin ang aming pagkikita kahit nagmukhang malabo ito dahil kay Reming. Nakapagpaalam na nga rin ako na ako'y aalis. Masaya ako at hinihintay na lamang ang kanyang tawag sapagkat siya'y magpapaalam pa. 'Di nagtagal ay tumawag na siya ngunit hindi magandang balita ang kanyang dala. Hindi raw siya pinayagan ng kanyang ina. Wala na kaming nagawa, kung umalis man siya at nagkita kami, tiyak na kagagalitan siya. Wala na kaming nagawa...
Pag-uusap na nga lang sa telepono ang aming pamamaraan ng pag-uusap sa tuwing hindi kami magkasama, nagloloko naman ang signal ng sun. Nakakainis, pati ba naman ang sun hindi rin samin nakisama. Pero sabi nga ng kaibigan ko, "everything has its reason". Siguro nga, hindi pa man namin ngayon malaman kung ano ang kahulugan nitong mga nangyari sa amin ngayon, balang-araw maiintindihan rin namin.
No comments:
Post a Comment