Kahapon ang huling araw ng klase namin. Itong darating na linggo, exams na at pagkatapos noon ay bakasyon na. Nakakalungkot isipin na maghihiwa-hiwalay na kami ng mga kaklase ko. Masasabi kong naging mahahalagang parte na rin ang aking mga kaklase sa buhay ko lalo na't sila yung madalas kong nakakasama. Nakakalungkot lang dahil hindi naman lahat papasok pa sa susunod na semester. May ibang lilipat ng kurso, may ibang hihinto. Nakakahinayang lang na kung kailan patapos na ang semester, ngayon pa lang lalong lumalalim yung pinagsamahan namin.
Masaya ako at nakilala ko sila. At sana nga kahit hindi ko na makita ang iba sa kanila sa pasukan, tuloy tuloy pa rin ang komunikasyon naming magkakaklase, naming magkakaibigan.
Mag-iisang buwan na naman bago ako nakasulat muli dito sa blog. Sa isang buwan na yun, maraming nangyari. Masaya, malungkot, mabuti at hindi mabuti. Kung pwede lang huwag nang maisip ang mga malungkot at hindi mabuti pangyayari...
2 comments:
hi! maligayang pagbabalik!
yup.. kung pede lang hindi isipin ang mga nakakalungkot na bagay at pangyayari...
sana makasulat kana uli ng marami... :)
salamat po! siguro, sana nga po... magbabakasyon naman na eh... marami ng oras. =)
salamat sa pagdaan ulit.
Post a Comment