Ayan! nandito na ako sa isteyts. Magsasampung araw na rin ako dito at magsasampung araw na rin akong nilalamig. Sobrang lamig dito, nakakamatay! Eh wala pa naman akong baong panlamig, puro maninipis lang na damit kaya naman nangangatog ako sa lamig hindi pa naman uso ang heater sa loob ng mga bahay dito kaya kahit nasa loob ka na ay malamig pa rin. Pero habang tumatagal nasasanay na rin ata ang katawan ko.
Nandito ako ngayon sa Daly City, California at nakikitira sa mga tita ko. Ngayon lang ako natigil sa bahay dahil araw-araw kaming umaalis simula ng dumating kami ng bansa. Ano pa nga bang masasabi ko bukod sa lamig? Hmmm wala pa akong maisip, sa susunod na lang ako mag-uupdate. Pero baka matagalan na naman...
4 comments:
wow. mukhang nag eenjoy ka jan... buti pa jan ang lamig dito parang hell na ang feeling.. wala paring ulan...
enjoy your stay there! ingat!
hehe salamat... yap enjoy siya kaya lang nakakapagod rin dahil palaging umaalis. pero maganda rin kasi nag-eexplore. =D
wow!! malamig?! dito sa Pinas naman.. its hot and humid. Super bad combination dahil kahit bagong paligo ka at magbubukas ka ng gate, pag balik mo sa loob ng bahay, malagkit ka na! April 17 nga daw ang so far hottest day of the year!!! xD
mag-uwi ka nga ng konting lamig! hahaha!! mishu!
masasanay ka rin sa lamig. hehe. tignan mo nga ako ngayon, 8degC pero and suot ko lang dito sa bahay e tanktop at short shorts haha. and no, hindi nakabukas ang central heating namin sa bahay. sanayan lang yang lamig.
Post a Comment