About

My photo
Soft spoken & shy. Always mistaken for a teen. Used to smile a lot. A left-handed but drawing is not her forte. Likes to write her thoughts and read others'. Likes music to which she can sing along. Likes traveling and adventures. Loves the heat of the sun at the beach and the falling rain when at home. Gotta love the drama. A frustrated photographer, chef & singer.

Sunday, March 16, 2008

Est-ce pour moi?

Tatlong taon na rin akong namamalagi dito sa Pilipinas, matapos akong umuwi galing Schweiz. Sa tatlong taon na ito, pilit kong hinanap ang aking sarili, kung anong nais kong mangyari sa buhay. Ng magbalik ako dito, hindi ko talaga alam kung anong mangyayari sa akin. Ipinasok lang ulit ako ng aking mga magulang sa eskwelahan, kumuha ng isang kurso at ngayon ay natapos ko na rin. Naipagpatapos ako ng aking mga magulang ng dalawang kurso kahit hindi pala talaga iyon ang aking ibig. Ngunit natutuwa rin ako dahil kung hindi ako nakapag-aral, malamang hindi ko talaga maiisip ang tunay kong hangarin. Habang tumatagal, nahihilig ako sa pagluluto, sa paglilitrato, sa pagdidesenyo ng kabahayan at mga damit. Arts ba! Doon ko nakikita ang aking sarili. Siguro kung pagtutuunan ko lang talaga ng panahon, mas mahahasa pa ako. Pero masaya na rin ako dahil kahit hindi man ito ang kursong kinuha ko, mayroon pa rin akong pagkakataon at panahon para matutunan ang mga ito. Hindi naman sila aalis at iiwanan ako.

Sa ngayon, sinusunod ko pa rin ang mga magulang ko kung saan nila ako nais magtrabaho. Ibig nila akong pabalikin sa Schweiz kahit mahirap para sa akin. Iniisip ko na lang na madali ng makapag-ipon doon kapag nakapag-simula na at madali na rin bumalik kapag sapat na para sa bagong pamumuhay. Hindi pa rin naman ako nakakapag-desisyon. Hintay na lamang ng senyales.

2 comments:

leytbloomer said...

awww. ang galing naman. natatanggap mo ng maluwag ung mga sinasabi ng magulang mo.. good luck sa journey mo.. ^_^

Maria said...

may part na ayaw, may part na gusto, kailangan lang positive talaga palagi para madaling matanggap. hehehe salamat po!!! :)