About

My photo
Soft spoken & shy. Always mistaken for a teen. Used to smile a lot. A left-handed but drawing is not her forte. Likes to write her thoughts and read others'. Likes music to which she can sing along. Likes traveling and adventures. Loves the heat of the sun at the beach and the falling rain when at home. Gotta love the drama. A frustrated photographer, chef & singer.

Tuesday, June 10, 2008

First Day

Pasukan na naman. Nakakapanibago, nasanay ako na kasabay ang mga estudyante araw-araw na pumapasok sa eskwela. Ngayon, nandito lang ako palagi sa bahay. Wala pa rin akong trabaho, nakakainip na, ang tagal ng resulta ng exam sa kumpanyang inapplayan ko. Kung noong una, sobrang aga nilang tumawag sa akin para interviewhin ako, ngayon naman sobrang tagal na. Kailangan ko na rin siguro mag-apply pa sa ibang kumpanya habang naghihintay. Iniisip ko nga minsan, kung mag-aral na lang kaya ulit ako?

Kagabi nagkita-kita kami ng dalawa kong matalik na kaibigan. Mga isang oras lang din kaming nagkasama. Usap-usap lang tungkol sa trabaho. Naisip namin na di na pala talaga kami bata at trabaho na ang pinag-uusapan. Parang kailan lang... Mga crushes pa sa school ang ikinukwento, mga teachers, subjects, pero ngayon mga katrabaho, boss at kumpanya na. Hay... parang mas masaya pa rin maging bata.

1 comment:

leytbloomer said...

kung pede lang ibalik ang dati... apply lang ng apply, send lang ng send ng resume... oks lang yun.. enjoy mo muna habang wala pa work..