Kama-kailan lang ay nakausap ko si Kamil sa YM. Nagkwentuhan tungkol sa buhay-buhay namin ngayon. Nagulat siya sa ibinalita ko sa kanya. Maraming nangyari sa akin nitong mga nakaraang buwan, bago pa man mag-bagong taon. Isa lang ang hindi ko makalimutan sa sinabi niya sa akin nung nag-usap kami. Sabi niya "Kar, bakit naman ganyan? Hindi ka naman ganyan dati ah!"
Hindi ko rin alam kung anong isasagot ko sa kanya. Nakakalungkot pero parang ayaw ng gumana ng isip ko para mag-isip ng kung ano ang tamang gawin.
Kaninang umaga, kausap ko naman ang ka-trabaho ko. Nagtanong siya sa akin kung ano ang pipiliin ko, si Mr Right (nakatakda para sa iyo) o si Dream Guy (pinapangarap mo).
Madali lang sagutin para sa akin. Kung ang Mr Right ang nakatakda para sa akin, kahit hindi naman siya ang Dream Guy ko, siya pa rin ang pipiliin ko. Hindi naman kasi siya magiging Mr Right kung hindi siya para sa iyo talaga kaya't ang sinagot ko ay si Mr Right. Sagot niya sa akin, malalaman ko lang ang tamang sagot sa tanong na iyon ay kapag magkasabay na dumating si Mr Right at si Dream Guy. Bigla akong napaisip.
Mr Right ang sagot ko pero Dream Guy pa rin ang pinili. Kinain ko rin ang aking sinabi. :\
3 comments:
Pero kung iisipin, di ba si Mr. Right at Dream Guy ay dapat iisa lang? Kasi, kung si Mr. Right ang nakatakda para sa iyo, hindi ba't yun narin ang sagot sa pinapangarap mo?
Yun eh kung ang pinapangarap mo ay makatagpo ang nakatakda para sa'yo?
Dude.. labo. bakit ba kasi Tagalog ang blog mo??
Ha! ang labo nga. Tama ka, dapat nga iisa lang iyon. Nagkataon lang sigurong pinipilit ko silang maging magka-iba kaya't ganoon na lamang ang kinahinatnan. hay...
hmm... uu nga anu dapat iisa lang iyon... dati akala ko din magkaiba...
you're back na pala... hope ur doin fine...
Post a Comment