Mga positibo at negatibong epekto ng isang graveyard shift:
Pag gising mo, 24 Oras o TV Patrol na ang balitang mapapanuod mo.
Pag alis mo ng bahay, patulog na ang mga normal na tao.
Hindi ka na mag-aamoy pawis dahil pag labas ng bahay, buwan na ang nakatirik sayo.
Kapag gusto mong kumain sa labas, kailangan mo pang maghanap ng fastfood na 24/7, wala na rin masyadong buma-byaheng jeep kaya't lalong mas mahirap maghanap.
Pwede ka rin naman tumawag sa mga kapwa mo "graveyard shift" para um-order ng pagkain.
Paglabas ng opisina, silaw na silaw ka dahil sa sikat ng araw, para kang bampirang ayaw ma-arawan.
Dahil maaarawan ka lang sa pag-uwi mo, hindi ito masyadong nakaka-apekto sa balat, kaya kung gusto mong maging maputi, mag night shift ka. Pero hindi ata puti ang magiging kulay ng balat mo, para bang naninilaw. Kulang sa bitamina C.
Maabutan mo pa ang Unang Hirit o Umagang Kay Ganda. Masyado ka na ngayon magiging updated sa mga balita.
Hindi ka agad makakatulog dahil unti-unti ng umiinit ang paligid.
At kapag nakatulog ka na, magigising ka naman sa ingay ng mga kapitbahay mo, pagtingin mo sa orasan, tanghaling tapat pa lang at ilang oras ka palang nakakatulog.
Magigising ka rin sa teks at tawag ng mga kakilala mo kapag hindi naka-silent ang cellphone, kaya dapat lagi itong naka-silent.
Pipilitin mong matulog dahil gabi ka pa papasok kahit sobrang pawis na ang katawan kahit nakatutok at todo na ang electric fan.
Maiisipan mong maligo muna para maging presko ang pakiramdam, mawawala na rin ang araw at unti-unti na rin lalamig ang paligid, ngunit may ilang oras ka na lang para matulog muli.
At pag pasok mo ulit ng opisina, mukha ka ng bangag at may malaking eyebags.
4 comments:
sa lahat ng sinabi mo nakakarelate ako sa UNANG WORK KO... as in bangag talaga ang tawag... @_@
yup sa ingay at init. wala ka ng chance makatulog ng mahimbig, para bang sinasadya ng tadhanang inisin ka... totoo un kasabihang "wag mo inisiin ang bagong gising" kasi nakaka wild talaga ng pagiisip... ^_^
uy sana kaya mo pa ha... inom vitamins... kahit panu nakakatulong din.
Ito nga rin ang unang work ko. Siguro kelangan talaga muna maghirap sa umpisa. hehehe
Totoo, kapag bagong gising ka at wala sa mood, yari na.
Umiinom naman ako ng vitamins, kaso kapag naalala ko lang. Thanks sa concern! :)
WAAAHHH!!! I remember my call center dayssss.. lam mo naman forever graveyard shifter ako nun!
but the one good thing i can say is that night shift pays better,, night differential dude! xD
hehehe.. pero kailangan mo ba naman yun kamahalan? LOL
ay! nakalimutan ko nga ang night diff! hahaha
Post a Comment