About

My photo
Soft spoken & shy. Always mistaken for a teen. Used to smile a lot. A left-handed but drawing is not her forte. Likes to write her thoughts and read others'. Likes music to which she can sing along. Likes traveling and adventures. Loves the heat of the sun at the beach and the falling rain when at home. Gotta love the drama. A frustrated photographer, chef & singer.

Tuesday, January 16, 2007

Isang hapon ng kalungkutan

"Maliit na dragon... Wag ng malungkot huh..."

Isunulat ng aking kaibigan sa aking palad habang nasa klase. Magaling raw siyang gumuhit ng dragon at ng aking makita, magaling nga, magaling magsulat sa palad. Isang bagay na nakapagbigay ng ngiti sa aking malungkot na hapon. Hanggang sa makauwi ako, ito ang aking tinititigan. Napapangiti pa rin kahit dumadapo ang kalungkutan sa aking isipan.

Ang kalungkutan ay dulot ng isang kaibigan. Isang kaibigang naging parte ng buhay at unti-unti na lang mapapansin na siya'y unti-unti nang lumalayo. Alam kong magiging masaya siya sa tinatahak niyang landas at dapat lang maging masaya, ngunit bakas pa rin sa kanyang mga mata ang kalungkutan. Kalungkutan na akin rin nadarama.

"Nasan ka man ngayon, ano mang oras na ika’y may kailangan, tawag ka lang sa akin at parang nandito ka na rin"

2 comments:

leytbloomer said...

minsan ang hirap isipin or intindihin ang pag-alis ng mga taong mahalaga sa atin...

pero marahil kelangan lang ito mangyari atin upang tayo'y lumago..

Maria said...

i've read your post "People come into your life for a reason" Nakakalungkot mang isipin pero ganun pala talaga ano, mawawala at mawawala rin sila pero paano kung hindi pa un ang tamang panahon ? may magagawa pa ba para don?

siguro nga kailangan lang isipin mabuti kung ano ang naging purpose nila at sila'y ating nakilala kahit hindi pangmatagalan...