Nakakamiss sumakay ng jeep. Simula kasi ng matuto akong magmaneho, dala ko na parati ang sasakyan papuntang eskwelahan. Dati kapag color coding ang sasakyan, iniiwan ko talaga kahit wala naman manghuhuli kasi sa Cavite lang naman ako at iyon ang panahon na nakakasakay ako ng jeep.
Masaya sumakay sa jeep kahit minsan nahihiya akong magbayad o umabot ng bayad. Hindi ko kasi gustong umiimik kapag mag-isa lang ako kaya nga madalas ay nasa likod ako ng drayber para di na kailangan magtaas ng boses sa tuwing magbabayad.
Maraming nakikita sa kapag nasa jeep ka, mga tanawin nakikita sa bintana, pero mas marami pa rin makikita sa loob lalo na kapag punuan. At maraming maririnig na usapan (tsismis). At kaya lalo kong naalala ang mga panahon na namamasahe pa ako dahil sa babaeng pumasok sa klase namin kanina. Magiging kaklase namin siya sa klase na iyon. Parang pamilyar ang mukha niya at ng nakita kong mabuti, isa pala siya sa nakasabay ko noon sa jeep na medyo may pagkadaldal. Wala atang pakialam kung anong maririnig ng tao sa mga kinukwento niya, kaya ayon, tumatak sa akin ang kanyang itsura. Nakakatuwa lang dahil sa dami daming di kilalang mga kasabayan sa jeep, magiging kaklase ko pa pala ang isa.
2 comments:
uu dami ka talaga ma experience na kakaiba sa pagsakay ng jeep.
meron pa nga nakatabi ko mismo ang holduper.. wala kong nagawa sa hinold up nila.. may patalim sila eh..
Ayon nga lang minsan delikado talaga kapag namamasahe. Dapat malakas ka rin makiramdam.
Post a Comment