Tapos na ang party, nauna sa birthday. Masaya, natuwa naman sila. Ako? alam ko masaya rin ako nun, kaso wala na akong matandaan. Habang kinukwento nila, natatawa naman ako. Pero pagkatapos pala ng kasiyahan, doon na magsisimula ang panibagong kalungkutan sa buhay ko. Mabigat ba? medyo.
Kahapon lang ang birthday ko. Pero ilang araw na akong balisa noon, dahil sa exam (trabaho) at sa mga nangyari. Saktong alas dose ng madaling araw, umiiyak na ako hanggang sa matapos ang gabi. Ito na nga ata ang pumapangalawa sa pinakamalungkot kong birthday. Ako naman rin kasi ang may kasalanan. Naguguluhan kasi ako. Hindi ko naman pwedeng baliwalain nalang dahil habang tumatagal, lalo lang akong nahihirapan.
Ngayon, sinusubukan kong mag-isa. Hindi pa totally mag-isa, pero mukhang kakailangan ko muna talagang makapag-isip isip. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magkakaganito. Siguro, hanggang sa malinaw na sa akin kung ano talaga ang gusto ko. Saka lang ako magiging maayos muli. Alam kong mahirap, lalo na siguro para sa kanya, sa kanila. Pero ayokong hindi ako sigurado sa sarili ko. :(
4 comments:
elow!!!!!! happy birthday!!
kamusta? welcome back!!!! ^_^
kaya mo po iyan...
thank you po!!! :) sana nga malinawan. hehe hirap talaga magdalaga ;)
Alam ko ito. hehe..
pero ngayon, ibang "sila" na ang pinoproblema mo. tama ba?
*hug* been there. Isipin mo lang kung sinong mas mahalaga. yung hindi mo kaya mawala. tapos, dun na. ♥
Aika! tagal ko na palang hindi nagbubukas nito. At hanggang ngaun, ung ibang "sila" pa rin ang pinoproblema ko. Di ko alam kung tama ba naging desisyon ko :(
Post a Comment