Pinaka unang holy week ko ito simula nung dumating ako sa Pilipinas, dahil dati sa tuwing umuuwi kami ng magulang ko ay tuwing pasko't bagong taon lang pati na rin July dahil summer nun sa Swiss. Ito na rin siguro ang holy week na hindi mo mahahalatang holy week...
Wednesday pa lang nagpunta na ang mga pinsan kong lalaki sa bahay. Thursday na ng sumunod ang mga pinsan kong babae. Sa halos isang linggong itinagal nila dito, isang gabi lang kaming tumigil sa pag-inom, pagsasaya at kung anu-ano pang maaaring gawin. Naisip ko tuloy na di kaya magalit sa amin si Lord at isipin na sa sobra naming pagsasaya ay nakalimutan na namin Siya. Naisip ko na mali na ata ang ginagawa namin. Gusto ko man sabihin sa mga pinsan ko 'tong mga naisip ko kaya lang baka hindi nila ako seryosohin dahil iba-iba ang paniniwala namin. Iba-iba ang pananaw namin kahit nagkakasundo kami at masaya palagi sa tuwing magkakasama. Hindi ko rin alam kung ano ang nasa isipan nila, kung pareho lang ba kaming iniisip ang mga bagay na 'yon o hindi.
Hindi ko na masyadong matandaan kung anong ginagawa namin nung kami'y mga bata pa sa tuwing sasapit ang holy week. Ang alam ko lang ay sa Quezon kami palagi nagbabakasyon. Mga bata pa kami noon at hindi pa marunong magsi-inom. Kasa-kasama pa namin noon ang mga magulang namin. Naaalala kong nagigising na lang kami sa umaga na may nakikitang mga taong nagpipenetensya sabay nilulubog ang kanilang duguang likod sa dagat. Nagsisimba sabay-sabay pagsapit ng Linggo.
Linggo na dapat uuwi ang mga pinsan ko pero hindi natuloy at nagpasya kaming magsimba. Umaga pa nga lang dapat ay nasa simbahan na kami. Kaya lang dahil sa may hang-over pa ang iba kaya tinanghali na ng gising. Hapon na ng kami ay umalis at sa katolikong simbahan tuloy ako sumimba.
Lunes na ng umuwi sila, tahimik na naman sa bahay dahil kami na lang ni Dang ang natira. Habang nagbabalik-tanaw sa mga nangyari noong mga lumipas na araw, nahiya ako sa Kanya sa mga bagay na ginawa na pwede namang itama ngunit di ko itinama. Hindi ko na ata alam kung ano ba ang tunay na kahulugan ng mahal na araw. Nalito na sa lahat ng mga naririnig at napag-uusapan at parang hindi ko na maitayo ang sarili kong opinyon ukol dito. Kailangan ko muling maliwanagan...
3 comments:
aww di mo pwede makalimutan yon.. hang over lang yan! Mag tubig ka muna ulit kulang lang yan sa tubig.. wag sa swimming pool ha! LOLZ. Basta wag mo lang kakalimutan mag pray even though na naging ganun ang easter mo hehe. Dpat dinaan nyo na lang sa egg hunting LOL *hearts* miss na kita!
hindi lang naman dapat tuwing holy week lang alalahanin ang pasakit na ginawa ni Jesus Christ sa atin. Kaya hindi pa huli ang lahat na mag reflect at mag mumuni muni sa Kanya.
Belated Happy Easter!
Ayun nga rin ang sa akin eh, hindi lang porket holy week saka lang aalalahanin yung mga ginawa ni Jesus. Kaya lang parang medyo nakalimut rin netong mga nakaraang mga araw... kaya i feel bad.
Post a Comment