Isang buwan na lang at ilan pang nalalabing mga araw ay mag di-disenuebe na ako. Habang tumatanda ako, ngayon ko lang talagang masasabi na marunong na akong umintindi sa mga ginusto ng magulang ko para rin sa akin. Kung dati ay ipipilit at ipipilit ko ang gusto ko't titigil na lang kapag nasampal o napalo na ako. Ngunit ngayon naramdaman kong mas mabuti pala na kung hindi rin naman sila papayag sa gusto mo ay huwag na lang ipilit at makinig na lang sa kanilang sasabihin. Hindi rin tamang makipagtalo dahil ikaw rin naman ang magiging talo sa huli dahil kailangan pa rin sundin ang gusto nila kung yun nga ang nararapat.
Kung tutuusin mas mahihirapan silang disiplinahin ako dahil malayo sila sa akin. Telepono at email lang ang paraan namin upang mag-usap. Marami akong pwede gawing kalokohan o mga bagay na hindi sila payag kung gugustuhin ko lang dahil malayo nga sila subalit kung iisipin kong mabuti, mas maganda kung pananatilihin ko ang tiwala nila sa akin kahit na hindi nila nakikita o nalalaman ang lahat ng bagay.
Malapit-lapit na rin ang kanilang pag-uwi. Saktong-sakto sa aking pagpasok sa eskwela. Dito na sila muling maninirahan at magpapahinga.
7 comments:
correct kikay! Ako na feel ko na lang talaga yan ngayon na buntis nga ako. Lesson learned na talaga. Heheh anyways miss na kita! ingat kaw lagi
hehe naku kung di mo pa naman yun natutunan eh, ewan ku lang! =D miss you na rin!!! ingat kayo ng family mo!
magstay na kayo ng family mo dito for good???? :D
Advance Happy Birthday!
Parents knows best pa rin. kahit pagbalik-baliktarin pa ang mundo hehehe.
buti naman at uuwi na mga parents mo dyan para mabantayan ka hahaha , joke.
advance happy bday.. wow.. buti pa parents mo babalik na.. ako adon padin sila.. same situation pala tayo.. ako lang at kapatid ko andito sa manila. kelangan talaga nating pangalagaan ang tiwala ng magulang natin. madami na silang hirap na pinagdaanan para sa atin..
enjoy your bday!! God bless...
salamat po sa mga bati!
dito na nga sila for good. mas mabuti na nga rin yon para mapalagay sila sa akin kasi kapag nasa malayo sila lagi lang nag-aalala.
at tama ka dyan leytbloomer, marami na nga silang pinagdaanang hirap para lang sa atin. kaya dapat huwag abusuhin at bigyan halaga.
Cool blog, interesting information... Keep it UP » »
Post a Comment