I miss the old, uncomplicated, happy days...
it has been too long...
About
- Maria
- Soft spoken & shy. Always mistaken for a teen. Used to smile a lot. A left-handed but drawing is not her forte. Likes to write her thoughts and read others'. Likes music to which she can sing along. Likes traveling and adventures. Loves the heat of the sun at the beach and the falling rain when at home. Gotta love the drama. A frustrated photographer, chef & singer.
Thursday, June 3, 2010
Wednesday, December 30, 2009
Help? Anyone?
Met my friend Andrea last night and had coffee and did some catching up. We talked about our lives, love life in particular. There was one thing she said that was stuck in my head and I quote, "Baka kasi nabigay mo na yung 100% love kay ***** kaya hindi mo na kayang ibigay sa iba."
Could that be the reason why even though I have tried to love again, I could never give the same love that I used to give? Could that be the reason why I am feeling sad? because I still can't feel that I am really in love? All I know is that I am happier before and felt the love. Now I am lost. I don't know what to do...

Thursday, July 9, 2009
Tongue-tied
I just want to help but it seems that you don't want my help or don't accept my suggestions. I don't want to talk about it anymore since it's your problem, not mine! I don't want to mind it anymore cause it's just making my head ache. Sometimes, having nothing to say is better than saying everything in your head.
Wednesday, May 20, 2009
Illegal matters
Manunuod ako at si Arjay ng gig sa Saguijo kaya kami napadpad sa Makati. Bandang alas-9 pa lang ng gabi ng maghanap muna kami ng makakainan. Gusto kong kumain sa KFC. Dahil puro one way, no u-turn ang Makati, nagpa-ikot-ikot kami. Sa pag-iikot namin para lang makapunta ng KFC, bigla kaming pinara ng isang mamang pulis. Nagtaka na kami kung bakit. Naka-green ang traffic light, hindi coding, naka-seatbelt si Arjay pero ako hindi. Siguro yun ang naging violation.
Hihinto na sana kami ng pinatakbo muli ni Arjay si Adam at tinakbuhan ang mamang pulis. Akala ko'y nakatakas na kami sa kanya ngunit maya-maya lang ay mayroon ng nakabuntot sa aming motor na may sakay na dalawang mamang pulis at kami ay pinapahinto. Hindi pa rin tumigil sa pagmamaneho si Arjay, naghabulan kami sa loob ng Makati ngunit sa bandang huli, itinigil na namin ang pagtakbo. Kinakabahan na rin ako noon habang sinusubukan namin tumakas dahil alam kong mahuhuli at mahuhuli rin kami, hindi pa man din namin kabisado ang Makati at ang bawat daanan pa ay may stop light. Yung eksenang nangyari samin ay parang isang eksena sa pelikula na nakikipaghabulan sa mga pulis. Nakakakaba pala sa totoong buhay.
Lumabas si Arjay at kinausap ang mamang pulis, hiningi ang lisensya ngunit nagpalusot na hindi niya dala. Pero sa totoo lang, expired na ang lisensya niya (pasaway lang). Sabi ng mamang pulis, i-impound na lang si Adam at kakailanganin naming magbayad ng mahigit kumulang limang libo. Syempre hindi kami pumayag at dinaan sa hindi mabuting usapan. Ang kinahantungan, naglagay na lang kami ng isang libo para lang matapos na. Pumayag naman ang buwaya at ineskortan pa kami hanggang Saguijo.
Hindi muna kami dumirecho sa Saguijo dahil nagugutom pa rin ako. Dumaan muna kami sa isang gas station bago mag-KFC dahil nag-overheat na si Adam sa kagustuhan sigurong tumakas, hindi na rin nakayanan.
Maayos na sana ang lahat. Nakakain na rin kami. Nakanuod na ng gig at pauwi na. Hindi pa rin ako ang nagmaneho. Lalabas na sana kami ng express way nang may nadaanan kaming ONE WAY! Ito na naman tayo! pinara na naman kami ng isang mamang pulis. Hinanap ang lisensya ni Arjay ngunit wala nga. Sabi ni mamang pulis na lisensya ko na lang daw ang ipakita. Nilabas ko na ang wallet ko para kunin ang lisenya ngunit pag tingin ko, hindi ko siya makita! Kapag minamalas nga naman! nakalimutan ko pala ang lisensya ko sa bahay. Nakiusap na naman kami. Ipinaliwanag namin na pauwi na kami at nahuli na rin kanina (kawawa naman talaga!). Nadala na naman kami sa isang masamang usapan. Dahil sa kagustuhan nang umuwi, naglagay na lang ulit kami ng isang libo (bingo na!). At ayon na nga, nadala ulit ang mga pulis sa lagay, at kami naman ay dalang dala na rin.
Itinuro naman samin ang tamang daan at tuluyan ng nakauwi.
Sa totoo lang, mabait-bait pa naman ang mga mamang pulis na nanghuli sa amin. Sa dami ng violations: driving without lisence, over-speeding, beating the red light, no seatbelt, one way only, at catch me if you can drama ay dalawang libo lang ang nawala sa amin. Kahit na sabihin na nating masama rin na tumatanggap ng lagay, mabuti pa rin sila dahil hindi na kami kinasuhan (swerte!).
Aral:
After ng summer class ni Arjay, ipapa-renew na niya ang kanyang lisensya.
Susunod na sa mga batas trapiko para hindi na kakailanganin pang maglagay.
Huwag nang magdala ng sasakyan kapag pupunta ng Makati kung hindi rin kabisado ang pasikot-sikot dito.

Thursday, April 9, 2009
Simula ng tag-init
Pagkatapos ng matagal na pagpa-plano, natuloy rin ang aming Zambales adventure. Nagsimula sa maliliit na isla ng Camara at Capones, sinunod ang Anawangin at nagtapos sa Nagsasa. Magaganda lahat ng isla at para ka na rin nasa ibang bansa kapag nakarating ng Anawangin at Nagsasa.
Sa Nagsasa namin pinagplanuhan matulog. Inabot kami ng mahigit 30 minutos at tanging ang papalit-palit lang ng kulay ng dagat ang aking napapansin, asul, berde, asul, berde, pati na rin pala ang malalakas na alon na humahampas sa mga batong nakapaligid sa amin habang kami ay nagbabaybay patungong Nagsasa. Ligtas naman kaming nakarating doon. Saglit na lang kami nakapagtampisaw sa tubig dahil pa-ambon ambon. Medyo nakakatakot dahil walang araw at walang tao ngunit bawing-bawi naman sa kapaligiran. Maaga pa ng kami'y namahinga. Habang natutulog, ramdam mo ang malakas na hanging Amihan na tila may bagyong paparating. Ayon sa mga katutubong naninirahan dito, normal na hangin lang iyon at mahina pa iyon kumpara noong mga nakaraang araw. Mahimbing akong nakatulog dahil alam kong may nagbabantay sa akin.
Umaga na at malakas pa rin ang hanging Amihan ngunit unti-unti na rin naman itong humuhupa. Lumabas kami ng tent para mag-ikot at kumuha ng mga litrato. Kinakailangan na namin umalis agad dahil sa magulang kong nag-aalala (mahabang kwento). Dahil maaga pa at hindi na naman ganoon kalakas ang hangin, inakala ko na madali na kaming makaka-alis ng Nagsasa. Hindi pala, medyo natagalan si Manong Domeng magpa-andar ng makina ng aming bankang palutang-lutang sa dagat at ng lingunin ko ang Nagsasa, natangay na kami ng alon sa may kalayuan ng pampang. Buti na lang umandar din! Pero di pa doon nagtatapos, malalakas ang alon at tila papasok na sa aming banka ang tubig. Marami naman kaming nakakasalubong na banka kaya naisip ko na kahit lumubog kami, may mga makakakita at makakasagip sa amin. Syempre, sa ganoong sitwasyon, di mawawala sa isip mo ang panganib na maaaring mangyari. Nakarating naman kami ng Pundaquit pagkatapos ng isang oras na pamamangka.
At sa mga pangyayaring ito, gugustuhin ko pa rin bumalik doon. Sa mga isla ng Zambales kung saan masusubok ang iyong tapang at makikita ang kagandahan ng ating bansa.
Isa na namang hindi malilimutang karanasan.
*Dating tago at sikreto ang lugar ng Anawangin Cove ngunit marami na ang nagpupunta ngayon dito. Hindi pa masyadong napupuntahan ang Nagsasa Cove, dahil na rin siguro sa may pagka-malayong lakbayin at kuntento na ang ibang tao sa kagandahan ng Anawangin.

Thursday, April 2, 2009
Lucky
"She is so lucky
but she cries in her lonely heart, thinking
if there's nothing missing in her life
then why do these tears come at night?"
Yan ang tanong. Sana malaman kung anong kulang.

Tuesday, March 31, 2009
Bubble addict
I have been spending my time at the office playing bubble shooter for several days now. I know there are other better things to do than this but it makes time unnoticeable. I only play this while at work and I've got two more days before my off, and so more, bubbles to pop! Good luck to my eyes though. :D
Wednesday, March 25, 2009
Buhay pang-gabi
Mga positibo at negatibong epekto ng isang graveyard shift:
Pag gising mo, 24 Oras o TV Patrol na ang balitang mapapanuod mo.
Pag alis mo ng bahay, patulog na ang mga normal na tao.
Hindi ka na mag-aamoy pawis dahil pag labas ng bahay, buwan na ang nakatirik sayo.
Kapag gusto mong kumain sa labas, kailangan mo pang maghanap ng fastfood na 24/7, wala na rin masyadong buma-byaheng jeep kaya't lalong mas mahirap maghanap.
Pwede ka rin naman tumawag sa mga kapwa mo "graveyard shift" para um-order ng pagkain.
Paglabas ng opisina, silaw na silaw ka dahil sa sikat ng araw, para kang bampirang ayaw ma-arawan.
Dahil maaarawan ka lang sa pag-uwi mo, hindi ito masyadong nakaka-apekto sa balat, kaya kung gusto mong maging maputi, mag night shift ka. Pero hindi ata puti ang magiging kulay ng balat mo, para bang naninilaw. Kulang sa bitamina C.
Maabutan mo pa ang Unang Hirit o Umagang Kay Ganda. Masyado ka na ngayon magiging updated sa mga balita.
Hindi ka agad makakatulog dahil unti-unti ng umiinit ang paligid.
At kapag nakatulog ka na, magigising ka naman sa ingay ng mga kapitbahay mo, pagtingin mo sa orasan, tanghaling tapat pa lang at ilang oras ka palang nakakatulog.
Magigising ka rin sa teks at tawag ng mga kakilala mo kapag hindi naka-silent ang cellphone, kaya dapat lagi itong naka-silent.
Pipilitin mong matulog dahil gabi ka pa papasok kahit sobrang pawis na ang katawan kahit nakatutok at todo na ang electric fan.
Maiisipan mong maligo muna para maging presko ang pakiramdam, mawawala na rin ang araw at unti-unti na rin lalamig ang paligid, ngunit may ilang oras ka na lang para matulog muli.
At pag pasok mo ulit ng opisina, mukha ka ng bangag at may malaking eyebags.

Sunday, March 8, 2009
Sick all over
Ilang araw nang masama ang pakiramdam ko at ilang araw na akong hindi nakakatulog ng maayos. Ngayon, kinakailangan ko pang pumasok sa trabaho para maging reliever sa isa kong ka-opisina. Gustuhin ko man mapabuti ang nararamdaman ko, hindi naman uubra. Kaya't konting pang-uunawa lang naman ang hinihiling ko. Sige, sabihin na natin masama rin ang pakiramdam niya. Pero ako naman ang nauna diba. Intindihan na lang sana kung wala man ganang makipag-kapwa-tao. Oo, mataas nga ang pride ko pero pinipilit ko naman kainin yun para sa akin at para sa ikabubuti ng ibang tao. Pero minsan mahirap rin magtimpi. Hindi ako pala-salitang tao lalo na para sabihin ang nararamdaman ko. Buti na lang andito pa ito.
Nakakalungkot lang...
Nakakalungkot lang...
Thursday, January 29, 2009
Is Dream Guy the right one?
Kama-kailan lang ay nakausap ko si Kamil sa YM. Nagkwentuhan tungkol sa buhay-buhay namin ngayon. Nagulat siya sa ibinalita ko sa kanya. Maraming nangyari sa akin nitong mga nakaraang buwan, bago pa man mag-bagong taon. Isa lang ang hindi ko makalimutan sa sinabi niya sa akin nung nag-usap kami. Sabi niya "Kar, bakit naman ganyan? Hindi ka naman ganyan dati ah!"
Hindi ko rin alam kung anong isasagot ko sa kanya. Nakakalungkot pero parang ayaw ng gumana ng isip ko para mag-isip ng kung ano ang tamang gawin.
Kaninang umaga, kausap ko naman ang ka-trabaho ko. Nagtanong siya sa akin kung ano ang pipiliin ko, si Mr Right (nakatakda para sa iyo) o si Dream Guy (pinapangarap mo).
Madali lang sagutin para sa akin. Kung ang Mr Right ang nakatakda para sa akin, kahit hindi naman siya ang Dream Guy ko, siya pa rin ang pipiliin ko. Hindi naman kasi siya magiging Mr Right kung hindi siya para sa iyo talaga kaya't ang sinagot ko ay si Mr Right. Sagot niya sa akin, malalaman ko lang ang tamang sagot sa tanong na iyon ay kapag magkasabay na dumating si Mr Right at si Dream Guy. Bigla akong napaisip.
Mr Right ang sagot ko pero Dream Guy pa rin ang pinili. Kinain ko rin ang aking sinabi. :\

Subscribe to:
Posts (Atom)