About

My photo
Soft spoken & shy. Always mistaken for a teen. Used to smile a lot. A left-handed but drawing is not her forte. Likes to write her thoughts and read others'. Likes music to which she can sing along. Likes traveling and adventures. Loves the heat of the sun at the beach and the falling rain when at home. Gotta love the drama. A frustrated photographer, chef & singer.

Wednesday, March 8, 2006

Busy-busy-han

Naging abala ako nitong mga nakaraang araw sa pagdodownload, pagdagdag at pagtanggal ng mga kanta sa aking Ipod. Hindi ko ito nagamit ng matagaaaaaal na panahon. Kaya naman ngayon ay pilit kong inaayos at pinapaganda ang laman.

Sayang naman kung hindi ko gagamitin, mahal ng bili tapos naka-display lang at inaalikabok sa tabi. Dahil na rin sa wala akong computer dati kaya hindi ko rin siya maayos. Hindi ako makapag-erase at maka-dagdag ng kanta.

Ngayon, masaya na ako. Kahit marami pa akong babaguhin at idadagdag, magaganda naman ang mga musikang maririnig. Nabago na rin ang genre ng musikang pinapakinggan ko. At ngayon ko lang nalaman na may genre palang "indie" at hindi lang independent artist or band ang ibig sabihin nito.

O diba, bagong kaalaman! Hehe...

No comments: