About

My photo
Soft spoken & shy. Always mistaken for a teen. Used to smile a lot. A left-handed but drawing is not her forte. Likes to write her thoughts and read others'. Likes music to which she can sing along. Likes traveling and adventures. Loves the heat of the sun at the beach and the falling rain when at home. Gotta love the drama. A frustrated photographer, chef & singer.

Monday, March 27, 2006

Babala:

Hindi lahat ng taong nakangiti at tumatawa ay masaya.



Ang akala ko magiging maayos na ang lahat. Ang akala ko wala ng problema. Ang akala ko makakayanan namin lahat ng pagsubok na dumarating. Ang akala ko walang susuko. Ang akala ko malakas kami. Ang akala ko magiging masaya kami.

Bakit parang mali ata lahat ng inakala ko?

"Kung hindi tayo, hindi tayo. Pero kung tayo nga, tayo talaga!"

Ayan na lang ba ang pagbabasehan ko. Hindi ko alam kung aasa pa ako. Hindi ko maintindihan kung bakit nangyayari na naman ito. Hindi ko alam kung may pag-asa pa bang maayos ang lahat.

Sana... sana maayos pa. Gusto ko pang umasa kahit napanghihinaan na ako ng loob. Ayokong masayang lang lahat ng pinagsamahan namin, lahat ng sakripisyong nagawa, lahat lahat... Ayokong magsimula ulit na iba na ang makakasama. Ayoko... hindi ko kaya.

8 comments:

M said...

si BF mo ba yan? hehehe...

kung ano mang gusot yan o problema sana nga maayos nyo...pero kung hindi, gaya ng sinabi mo hindi talaga kayo para sa isa't-isa.

Maria said...

Yun nga yung hindi ko kayang matanggap, na hindi talaga kami para sa isa't isa. Hindi ba pwedeng subukan para maging kami talaga para sa isa't isa. Hindi ko alam...

Anonymous said...

awww... dont know what to say.. im not some kind of an expert naman din kasi.. pero kar.. eto nalang.. kung kayo nga naman, kayo talaga.. akala mo lang yan na hindi mo kaya.. pero as time passes, makakaya mo rin pala.

time may not be able to heal all wounds, but one things for sure, time will make you get used to bearing the pain till your heart gets used to it.. and you'll be able to get through...

miss na kita.. sana we can talk or something soon... :(

Anonymous said...

awww kar... wuts wrong? get ur sexyness online... miss u. no ba yan... ano na naman nangyari =S

Maria said...

aika! salamat po... hindi kita macontact globe diba ang gamit mong sim? yung sa smart lang ata ang number mo na meron ako eh =( naku basta pagnakita tau kwento ko sayo...

diane! medyo busy lang netong nakaraang araw, pag nagonline ako at online ka pm kita kagad.

pero wag kau mag-alala, lahat naman ng bagay naaayos at katulad nung nangyari samin, naayos rin naman. =)salamat sa pag-aalala.

M said...

Hindi ba pwedeng subukan para maging kami talaga para sa isa't isa.

pede nyo namang subukan, pero 2way yan hindi ang isa lang ang nagtratrabaho para mag work out. mahirap kasi pilitin ang ayaw o wala na :)

Maria said...

Un nga po eh, kailangan dalawa ang nag-iisip ng ganun hindi lang isa kundi hindi rin magwowork.

Buti ngayon dalawa pa rin kami... =)

Salamat po

Yankaboodles said...

Kung kayo nga... Kayo nga... Kahit ano man mangyari kayo pa rin kung para kayo sa isa't isa... Parang telenovela pero hindi eksaherado at walang hired killers at sabuyan ng asido sa mukha.