Ang buhay nga naman ay katulad ng isang gulong. Kapag umikot at natyempuhan na nasa itaas ka, pakiramdam mo'y masaya at walang humpay na ligaya. Kapag umandar na ang gulong at napunta paibaba, parang pinagsakluban ng langit at lupa. Sa tuluyang pag-ikot nito, maaaring wala ka sa tuktok at wala rin sa ilalim. Tama lang... hindi gaanong masaya at hindi gaanong malungkot.
Hinihintay ko pang muling umandar ang gulong paitas ngunit hindi ko rin masasabing napailaliman na ako. Tama lang. Tama lang...
3 comments:
nakakaiyak naman entry mo. katulad din ng entry ko.
buti nagparamdam ka...kasi limot ko na talaga blog mo hehehe.
link ko na to sa aking blog.
Welcome back!
salamat po!
siguro di mo na rin ako maalala kasi bago na po itong blog url ko.
salamat din sa pagli-link!
uu nga pala...noon nasa blogdrive ka pala. maligayang kapamilya hehehe.
ingat!
Post a Comment