Ngayon ko lang napagtanto na may tendency pala akong magwala kapag umiiyak. Kung hindi ko lang siguro napipigilan ang sarili ko, malamang sugat sugat na ako or worse... Naalala ko lang, nung bata pala ako ay inuuntog ko ang ulo ko sa pader kapag umiiyak. Sinong mag-aakalang magiging normal ako pag laki. hehe...
Wala lang, naalala ko lang ang bagay na iyon. Matagal na panahon na ng tumigil ako sa pag-untog ng aking ulo sa pader, siguro mga walong taon pa ako noon. Dumadapo lang sa isip kong saktan ang sarili pero hindi pa naman nangyayari. Naisip ko na rin maghagis at magsira ng mga bagay pero sayang naman. Mahirap lang talaga kasi akong magpigil ng iyak lalo na kung sobra...
2 comments:
okay lang yan karl.. kung ano man yang dinidibdib mo, alam mo namang i'm just one call, one text away, okay?
i'm ALWAYS here for you. luvyah!
salamat aika! balik sa normal na naman ang lahat at balik saya ulit. hehehe salamat salamat!!!
Post a Comment