About

My photo
Soft spoken & shy. Always mistaken for a teen. Used to smile a lot. A left-handed but drawing is not her forte. Likes to write her thoughts and read others'. Likes music to which she can sing along. Likes traveling and adventures. Loves the heat of the sun at the beach and the falling rain when at home. Gotta love the drama. A frustrated photographer, chef & singer.

Friday, May 16, 2008

Pahiyas

Every 15th of May, the natives in Lucban, Quezon celebrate the Pahiyas festival. The residents of Lucban decorate their houses with colorful kiping, fruits, vegetables and native crafts in honor of their patron saint San Isidro Labrador. Yesterday was my first time to go to Pahiyas Festival. Some houses were very colorful and fully decorated. There were plenty of umbrellas because of the heavy rain. I didn't appreciate it that much because of the non-stop drops of water from the sky. I wish it didn't rain that day so I could have taken photos since it was my first time and I wanted to have a great photo souvenir from the festival. But unfortunately, I didn't succeed.

After being soaked in the rain, we went to Dalitiwan Falls located at Majayjay, Laguna. The water was very cold but we were able to swim for a while. A lot of hassle happened on our way to Lucban and during the trip but we still managed to have a good laugh.

Ecrire et parler juste

J'ai commence a lire le dictionnaire en francais. Mais jusqu'a maintanent, je suis restee en lettre "A" et je ne suis pas avancee. C'est triste de dire que j'ai oublie beaucoup de mots en francais c'est pourquoi j'essaye maintanent d'ecrire quelque mots en francais. J'espere que bientot les mots me reviennent.

I started to read the french dictionnary. But until now, I haven't moved from the letter "A". It is sad to say that I have forgotten many french words that's why I am now trying to write some words in french again. I hope they all come back to me soon.

Sunday, March 16, 2008

Est-ce pour moi?

Tatlong taon na rin akong namamalagi dito sa Pilipinas, matapos akong umuwi galing Schweiz. Sa tatlong taon na ito, pilit kong hinanap ang aking sarili, kung anong nais kong mangyari sa buhay. Ng magbalik ako dito, hindi ko talaga alam kung anong mangyayari sa akin. Ipinasok lang ulit ako ng aking mga magulang sa eskwelahan, kumuha ng isang kurso at ngayon ay natapos ko na rin. Naipagpatapos ako ng aking mga magulang ng dalawang kurso kahit hindi pala talaga iyon ang aking ibig. Ngunit natutuwa rin ako dahil kung hindi ako nakapag-aral, malamang hindi ko talaga maiisip ang tunay kong hangarin. Habang tumatagal, nahihilig ako sa pagluluto, sa paglilitrato, sa pagdidesenyo ng kabahayan at mga damit. Arts ba! Doon ko nakikita ang aking sarili. Siguro kung pagtutuunan ko lang talaga ng panahon, mas mahahasa pa ako. Pero masaya na rin ako dahil kahit hindi man ito ang kursong kinuha ko, mayroon pa rin akong pagkakataon at panahon para matutunan ang mga ito. Hindi naman sila aalis at iiwanan ako.

Sa ngayon, sinusunod ko pa rin ang mga magulang ko kung saan nila ako nais magtrabaho. Ibig nila akong pabalikin sa Schweiz kahit mahirap para sa akin. Iniisip ko na lang na madali ng makapag-ipon doon kapag nakapag-simula na at madali na rin bumalik kapag sapat na para sa bagong pamumuhay. Hindi pa rin naman ako nakakapag-desisyon. Hintay na lamang ng senyales.

Friday, March 14, 2008

L'ete est arrive

Summer na! At ang tindi na naman ng init, nakakasunog ng balat. Ilang linggo na rin kaming walang pasok. At dahil wala naman akong ginagawa sa bahay, minamadali na ako ng magulang kong maghanap ng trabaho. Meron naman alok sa akin na maganda, kaya lang natatakot ako kasi ito ang unang pagkakataon kong magtrabaho. Baka hindi ko maibigay ang ine-expect nila. Natatakot akong magmukhang tanga sa maraming bagay. Hindi pa ata ako ready magtrabaho, Sinabihan naman ako ng kaibigan kong nag-alok sa akin na mabubuti naman ang mga katrabaho at boss nila kaya huwag raw akong kabahan. Sana nga, kung sakaling matanggap doon ay maging maayos naman ang lahat.

Wednesday, February 20, 2008

Finalement la fin

Huling blog ko dito, kakasimula lang ng sem, ngayon, ito na ang huling araw ng klase namin. Tapos na ang finals, tapos na ang lahat. Practice na lang para sa graduation. Nalulungkot naman ang pakiramdam ko ngayon. Parang ayaw ko pang matapos ang klase. Para akong nabitin. Hindi ko napansin na mabilis palang umandar ang oras. Hindi pa ata nasulit maigi. Nakakalungkot lang, maghihiwa-hiwalay na kami ng mga kaklase ko na matagal ko na rin nakasama. Madami na rin kaming pinagsamahang, mga kasiyahan, mga kalungkutan, at mga kalokohan.

Ilang araw na lang bago ang graduation, ilang araw na lang at magtatapos na ako sa kolehiyo...

Thursday, November 8, 2007

Tapos na ang sembreak

Kakasimula lang ng klase. Panibagong mga asignatura at guro, ay hindi pala - mayroon na rin pamilyar na itsura sa aking mga mata. May bago na naman akong matututunan at bago na namang karanasan. Ito na ang huling semester ko at aakyat na ako "sana" sa Marso. Haharap na ako sa panibagong yugto ng aking buhay. Mas seryoso kaysa sa pag-aaral. Magugustuhan ko kaya ito? Nakakakaba...

Thursday, September 6, 2007

Ng dahil sa SAD

Ang "mini" thesis dapat namin sa SAD ang inaatupag ko ngayon, pero heto ako't inaatupag ang ibang bagay. Ang daming kailangan gawin ngunit parang palaging kapos sa oras. Ang daming kailangang isipin ngunit kulang ang espasyo ng aking isipan upang isipin ang lahat ng ito. Hindi ko alam kung malulungkot ako, o matutuwa sa mga nangyayari sa aking paligid. Ano bang tawag sa ganitong pakiramdam? Matamlay? Nanghihina? Pagod? Marahil lahat ng ito ay isa-isa kong nararamdaman. Minsan gusto ko na lang manatiling nakahiga sa kama, nakamulat ang mata at walang iniisip kundi ang kawalan. Pagod na ang aking isipan. Pagod na ako sa maraming bagay na gumugulo sa tahimik kong buhay.

Gusto kong magpakalayo, gusto kong lumayo, malayo sa lahat ng nakakapagbigay sa akin ng dahilan para mag-isip. Gusto kong maging mapayapa muna ang aking isipan kahit sa panandalian lamang. Gusto kong pumunta kung saan, maaanod lahat ng kaguluhang dumadaloy sa aking isip. Sobrang dami ang nais kong gawin ngayon ngunit wala na yata akong makitang panahon para maisingit pa ang mga ito. Nakakalungkot.

Ayokong maging malungkot. Ayoko ng ganitong pakiramdam. Ayoko ng mag-isip. Nais ko na lamang itong huminto kahit saglit.

Friday, August 10, 2007

Batung-bato ka na ba?

Kakatapos ko lang basahin ang libro ni Bob Ong na pinamagatang MACARTHUR. Pang karaniwan lang ang setting ng kwento at marahil di na rin iba sa mga istoryang nabasa.

Ito'y kwento ng apat na magkakaibigan lalaki na ang gawain kapag nagsasama-sama ay gumagamit ng shabu hanggang sa tumirik ang kanilang mga mata.
Naging dibersyon nila ito upang makalimot sa kanilang mga problema.

Hindi lahat sa kanila ay pinalad na magkaroon ng magandang buhay. At hindi lahat ay namuhay ng masaya. Marami silang mga pagsubok na pinagdaanan katulad na lang ng pinagdaraanan ng isang normal na taong namumuhay sa mundo. At katulad ng isang normal na tao, hindi man lahat, ay natuto pa rin bumangon sa pagkakadapa.

Saturday, July 28, 2007

Ulan, nasaan ka?

Kay tagal kong hinintay na umulan ngunit parang ayaw ata sa akin magpakita nito. Hindi ko siya matyempuhan. Laging umiiwas sa aking landas. Siguro mas magandang huwag na lang siyang hanapin para kusang lumabas. Ganoon talaga ata, kapag hinahanap mo hindi magpapakita ngunit kapag wala na lang sayo, saka naman magpapapansin.

Ulan, ulan, gusto ko lang umulan.

Monday, July 2, 2007

Paglisan

Noong nakaraang Sabado, nagpunta ako ng Bulacan - sa mga pinsan ko. Despedida kasi ng pinsan kong si ate Angel dahil aalis na siya sa Biyernes patungong Switzerland. Hindi naman siya mawawala ng matagal, pero kung papalarin at makahanap doon ng trabaho ay mukhang matatagal ang kanyang pagbabalik.

Nakakalungkot dahil pakonti na kami ng pakonti. Sa mga hindi nakakaalam, sobrang lapit naming magpipinsan sa isa't isa kaya sa tuwing may aalis, lubos kaming nalulungkot. Ngunit sabi nga ni kuya Ace, isa pang pinsan na umalis na rin ng bansa, ibig sabihin lang noon ay lumalago na kami at para naman sa ikabubuti ng isa't isa iyon. Sabagay nga, kailangan rin namin ito para sa magandang hinaharap.

Hindi na pala kami mga bata katulad noon. :c