Kung nakakawala lang sana ng sakit na nadarama ang pagsusulat ngayon, ibubuhos ko na lahat ang aking dinaramdam upang tuluyan na itong mawala. Kung sumasama lamang sa tuluyang pagpatak ng luha lahat ng sama ng loob ay hindi ko na titigilan pa ang pag-iyak. Kung may iba pang paraan para lang maalis itong sakit na aking nararamdaman ay siguradong akin nang hahanapin upang tuluyan ng malunasan. Ngunit hindi ganoon kadaling lunasan ang bawat sakit, hindi basta na lamang nawawala kung gugustuhin. At lalong hindi ganoon kadaling malilimutan.
Bakit ba sa tuwing nasasaktan ay sobra ako kung masaktan. Hindi ba pwedeng sa ibang pagkakataon naman ay medyo lamang ang sakit na idudulot. Bakit kailangan pang maramdaman ng lubusan?
Sa ngayon, parang mahirap pang ibalik ang nakasanayan. May bawas at hindi na sapat. Mahirap limutin na lang at ibalik ang dati. Masakit pa rin kung iisipin...
3 comments:
yayness kikay wat happened? =S kachat naman kita eh..
"Masakit pa rin kung iisipin..."
ganun ata talaga minsan, masakit.. naiiwan parin sa isip ang mga alaala...
pero pag laon.. maiisip din natin na nalampsan natin ang mga ito...
tama! hinihintay ko na lang mag laon at saka ko masasabing nalagpasan na nga... =)
Post a Comment